Crop top ni Jennylyn inirampa ni Dennis

LAUGH trip ang publiko sa muling pagrampa ni Kapuso actor Dennis Trillo na litaw ang pusod.

Ibinuyangyang ni Dennis sa Instagram ang isang clip niya na naka-blue crop top kasama ang dalawang kaibigan.

“Hello mga Kapusod,” sey niya sa caption.

Ikinaloka naman ng netizens ang chika ng misis niya na si Jennylyn Mercado sa comments section.

“Nanghalungkat ka nanaman ng closet ko! Ibalik mo yan ha,” ani Jen.

Sagot ng “Pulang Araw” actor: “Pahiram lang naman.”