Cristy kay Julia: Umamin kung totoong buntis

NAGPATUTSADA ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes kaugnay sa chika na nagdadalang-taong muli ang aktres.

Sa kanyang online talk show na “Showbiz Now Na,” natalakay na itinatago umano ni Julia ang kanyang tiyan sa mga gustong kumuha ng kanyang larawan.

Ayon kay Cristy, unang naging bulong-bulungan ang isyu ng umano’y pagbubuntis ni Julia sa lamay ni Susan Roces.

“Nagpunta po lahat mga kachika ang staff, crew, at mga artista ng ‘Ang Probinsyano’ sa lamay. Nagkaroon ng eulogy, wala si Julia Montes. Hinanap siya. Ang dahilan na lumutang, bawal daw pong magpunta sa burol ang buntis,” aniya.

Para sa ikatatahimik ng nga Marites, pinayuhan ni Cristy si Julia na lumutang para aminin o itanggi ang tsismis.

“Aminin na ang dapat aminin, mahirap maging sorry sa darating na araw… Ang punto po atin, aminin kapag totoo. I-deny kung walang katotohanan,” sey pa ni Cristy.

Ikinuwento naman ng kolumnista kung paano nagalit sa kanya sina Coco at Julia noong 2019 nang isulat niya na buntis ang aktres sa panganay nila ng aktor.

Ang hirit niya sa rumored couple: “Huwag kayong magagalit. Public figure kayo. Pinasok n’yo itong mundo ng entertainment. Natural lamang na anumang kilos o galaw n’yo, para kayong mga isda sa aquarium, sinusundan kayo. Wag kayong magagalit tutal ang laki-laki naman ng benepisyong nakuha nyo sa publiko. Yumaman kayo, gumanda ang buhay n:yo, sumikat kayo.’