Couple Gabbi-Khalil mag-partner sa food business

NAG-LAUNCH ng food business ang magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos–ang “Meat Up with Gabbi and Khalil.”

Matatagpuan na sa Grab Food ang bagong venture ng dalawa. Kabilang sa menu ang BBQ roast beef sandwich, burger steak with rice, at bibingka Basque cheesecake.

Nasa P99 ang presyo ng mga side dishes habang nasa P489 ang steak salad, ang pinakamahal na item.

Mayroong YouTube channel na Front-Seat Foodies kung saan mapapanood ang dalawa na nag-iikot sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas para humanap ng makakainan.