Abogado ng Colegio San Agustin may paalala kay Yasmien Kurdi

PINAALALAHAN ng Colegio San Agustin (CSA) ang aktres na si Yasmien Kurdi na mag-ingat sa mga pahayag ukol sa umano’y pambu-bully na naranasan ng anak sa nasabing paaralan dahil pawang mga menor de edad ang sangot sa isyu.

Kahapon, Disyembre 18, ay naglabas ng statement ang CSA Makati upang itanggi na na-bully ang anak ni Yasmien na si Ayesha, 12.

“It is unfortunate that an incident among minor students have been blown out in the public. At the outset, there appears to be no bullying that happened on December 10, 2024, but rather a situation where students were discussing about Christmas party preparations,” giit ng CSA.

“The school has immediately addressed the matter among the students and parents involved. The school is handling the matter with caution, circumspect, and confidentiality because the students involved here are minor children,” dagdag nito.

Kinumbinsi pa ng paaralan si Yasmien na makipag-ugnayan sa paaralan upang maresolba ang isyu.

“We also caution Mrs. Soldevilla to refrain from sharing information about the minor students as this tends to put them in a bad light, embarrassment, and even ridicule not only in CSA but in the eyes of the public,” hirit ng CSA.

Bago ito, inanunsyo ni Yasmien na makikipag-usap siya kay Education Secretary Sonny Angara ukol sa umano’y naranasang pambu-bully kay Ayesha ng mga kaeskuwela.