Coco nag-post ng sweet pic with Julia: ‘Tumatapang na,’ sey ng fans

KINILIG ang publiko sa larawan ng magpartner na Coco Martin at Julia Montes na kuha sa kanilang bakasyon sa Spain.

Isang lokal ang kumuha ng larawan ng dalawa habang naglalamyerda sa Casa Batllo sa Barcelona.

Naka-tag si Julia sa caption na nilakipan ni Coco ng heart emoji.

Napansin naman ng fans nina Coco at Julia na open na ang dalawa sa kanilang relasyon.

“Tumatapang na ah…nice.”

“Happy to see na mas open na sila about their relationship. They don’t have to tell the public every little thing about their relationship pero nakakatuwa lang na they seem to be more free in sharing these kinds of pictures sa social media.”

“In their own way they’re confirming that they’re a couple. They look happy together.”

“Ang tibay nila. Iba talaga kapag hindi maingay sa social media.”

“Mabuti naman at hindi na tinatago sa dilim ni Coco yung gf/wife nya.”