Coco: Ivana hindi pasaway

KLINARO ni Coco Martin na hindi naging pasaway  si Ivana Alawi sa set ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Ang totoo, giit niya, nalungkot ang buong cast sa Kapamilya action-serye nang magpaalam si Ivana.

“Malungkot, kasi ang tagal din namin nakasama si Ivana. Almost one year. Kumbaga, parang pamilya na ‘yung turing namin sa kanya tapos napakabait niya,” chika ni Coco sa isang panayam.

“Hindi naman namin akalain na gaganda nang gaganda ‘yung role at ‘yung kwento namin. E, humaba na nang humaba. Siyempre, nakakalimutan namin, si Ivana marami siyang mga mga commitments,” dagdag niya.

“May mga show pa siyang gagawin, may vlog siya. Kaya noong kailangan na niya magpaalam, wala naman akong magawa,” ayon pa sa aktor at direktor.

Sa last taping day ni Ivana, sinabi ni Coco, iniwasan nilang pag-usapan ang pag-alis ng dalaga sa show,

“Hindi nga kami nag-uusap. Kasi ayokong pag-usapan na about sa pag-alis. Nag-uusap kami as a normal. Nagtatawanan lang kami,” aniya.

“Naiintindihan ko siya, kasi artista rin ako. ‘Di ba, may mga commitments ka na kailangan mong gampanan at baka mamaya magka-problema?”