Claudine tinawag na plastik si Marjorie



MULING nabuhay ang iringan ng notorious na Barretto sisters makaraang tawaging plastik ni Claudine ang ate niyang si Marjorie.


Ayon kay Claudine, hindi na nga madalas bisitahin ni Marjorie ang kanilang ina na si Inday, pero kung bibisita man ito ay puro picture-taking lang ang inaatupag.


“Pag nakasama lang nila mama ko, hilig lang nilang gawin is magpa-picture (para i-upload) sa Instagram, tapos alis na,” gigil na gigil na isiniwalat ni Claudine.


Ikinuwento rin niya na wala talagng oras ang ate niya sa kanilang ina.


“Hindi sila nagbibigay ng time sa mama ko. Hindi nga nila tsine-check up eh. Hindi sila nagtse-check up,” dagdag ni Claudine.