Claudine na-depress, pinakalma ni Boy2

NAKARAMDAM ng kaginhawaan ang aktres na si Claudine Barretto sa dinaranas na depresyon sa pagdalaw ng kanyang “baby bro” na si Boy2 Quizon.

Isinapubliko ni Claudine ang clip ng pagbisita ni Boy2 na aniya ay nararamdaman ang kanyang pinagdadaanan na lungkot.

“These past few weeks was so dark for me, especially yesterday was my Dad’s 5th death anniversary. I sat for hours crying and not knowing who to call. Blood isn’t thicker than water,” makahulugang pahayag ng aktres sa Instagram post.

Bago ito, sinabi ni Claudine na hanggang apat na oras lang ang tulog niya.

“My amazing doctor gave me some sleeping pills so I could sleep until my Baby Brother @boy2quizon_ for i don’t know what reason felt the need to visit me mag ki kiss lang daw sya if tulog ako,” kuwento niya.

Idinugtong ni Claudine na kahit sinabihang bawal muna ang bisita ay walang nagawa ang mga kasama niya sa bahay kundi patuluyin si Boy2.

“He felt his Ate’s pain. God i thank u for my baby bro Boy2…this is my family not by blood but by choice,” sambit pa ng aktres.