NAKIKIUSAP sa publiko si Claudine Barretto na isama sa kanilang panalangin ang mommy niya na naka-confine sa ospital dahil sa lupus.
Sa Instagram post, sinabi ng aktres na mahigit isang linggo na sa St. Luke’s Medical Center sa BGC ang kanyang 87-anyos na ina na si Inday.
“Mom we luv & need u dearly. Pls get well soon,” aniya.
“Palanggas pls pray for my Mom
Kaugnay nito, humingi rin ng dasal si Claudine para sa sarili dahil sa kanyang kondisyon. “Isama nyo na rin po ako sa prayers nyo I havent been eating & I’m down to 97pounds & I haven’t been sleeping. Godbless you all & your families as well,” sambit pa ng aktres.
Claudine Barretto sa publiko: Pray for me and my mom
