DINEPENSAHAN ng mga supporters ni Marian Rivera ang paghirang sa aktres at box office queen bilang Best Actress para sa pelikulang “Balota” sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival.
Sa Twitter, ilang mga anti-Marian ang nagpahayag na kaya lang nasungkit ng Kapuso Primetime Queen ang tropeo ay dahil pawang taga-GMA ang hurado sa Cinemalaya.
“Not to sound bias. Pero almost ng Jury from GMA,” sey ng isang @carl_jesus85049 na sinegundahan ng ilan pa.
Hindi naman pinalampas ng fans ng aktres ang hanash at sinabing “fake news” ang pahayag ng nasabing netizen.
“The Cinemalaya Main competition jury includes Nicanor Tiongson, Dolly de Leon, Nicola Marzano, Jerrold Tarog, and Ahmed Muztaba Zamal. So sino ang taga GMA dito? Minsan kasi, kapag talo, talo. Di na dapat iinvalidate ang efforts ng iba plus nagkakalat pa ng fake news.”
“Pakalat ka pa ng fake news, eh ang daling i-verify niyan. Tanga.” “You are clearly spreading fake news . I hope @gmanetwork will act on this allegations para ma sampolan ito.”
“Di matanggap teh? Kaya gawa gawa ka ng kwento?” “Ganyan talaga galawan nila no? Kapag lotlot magpapakalat ng fake news.
Akusahan ba naman na bumibili ng award ang gma eh kanilang gawain yun hahaa. Jusko kahit walang jurors kahit yung mga reviews lng ng tao na nanood sila mismo alam na best actress dito si marian!”
Ibinandera rin ng mga Marian supporters na ang “Balota” ang “highest grossing Cinemalaya film entry of all time!”