INAMIN ni veteran actor Christopher De Leon na lumaki ang ulo niya at nalulong sa droga noong kasagsagan ng kanyang career.
“Naging too confident ako with myself. I started enjoying and being happy where I was. Nalululong ako sa masamang bisyo. I was taking all the drugs,” kuwento ni Christopher.
“Because of the fame, success, you have all the money. Susuweldo ka today, call up the boys, call up the gang, ‘Let’s paint the town red!’ Excessive ako sa ganu’n,” dagdag niya.
Aniya, nakalimutan niya ang Diyos noong mga panahon na sikat na sikat siya.
“Nawala na ako. Kasi nawala na ang Diyos sa akin. Naniniwala ako na gagawin ko ‘to para magawa ko ‘yan. Gagawin ko ‘to, gagawin ko ‘yan para makarating ako dito,” sabi niya.
Dahil dito, nilayasan siya ng asawang si Sandy Andolong.
“Sandy left me with the kids. I was crying with my face to the floor,” pahayag niya.
Sa mga sandaling iyon, na-realize niya na walang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili at ang Panginoon.
“I had to give up. I had to say, ‘God save me.’ I was kneeling down. ‘God, help me. I want to stop. I can’t get out of this addiction’,” ani Christopher.