HUMINGI ng paumanhin ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa kanyang mga fans dahil wala siyang update sa social media nitong mga nakaraang linggo.
Ani, Chloe abala siya sa kanyang mga pangingibang-bansa.
“Sorry for the late post, my loves-been MIA (in the online world) as I’ve been out and about travelling,” aniya.
Nangako naman ang dalaga na ipo-post niya ang mga litrato ng kanyang mga biyahe sa mga susunod na araw.
“Travel dump pics coming soon,” chika niya.
Samantala, todo-flex si Chloe sa kanyang unang magazine feature.
“I can’t believe this is all happening…Such an incredible honor, and it means even more because it’s about something I hold close to my heart: mental health. We all have our battles, and being able to share, inspire others to prioritise their wellbeing and raise awareness is a dream come true,” pahayag niya.