HOT topic ng mga marites ang pagre-react diumano ni Chloe San Jose sa hiwalayang AiAi delas Alas at Gerald Sibayan.
Kung paniniwalaan ang isang Facebook post na mula raw kay Chloe, na na-screen shot ng ilang netizen at nakabandera ngayon sa social media, sinasabi ng girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na kinarma ang komedyana.
“Back to you mamang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x-it’s just the universe’s law,” hirit ni Chloe.
Kalakip naman ng komento ng dalaga ang screen shot ng isang news item kung saan pinayuhan siya ni AiAi na umayos nang tama dahil girlfriend lang ito at hindi pa asawa ni Carlos.
Iginiit ng isa sa mga nagpakalat ng nasabing screen shot na hindi edited ang post ni Chloe.
“Not fake news. Naka friends of friends lang. Galing ‘to sa spy ko. Haha,” ayon sa FB user na si “Miss Minchin”.
Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Chloe.