Chloe, Caloy umeksena sa gala

LEGIT nang kabilang sa high society ang magkasintahang Carlos Yulo at Chloe San Jose makaraan silang maispatan sa Red Hot Gala, isang charity fashion event na ginanap sa Shangri-La The Fort.

Looking sexy sa kanyang lavender Francis Libiran-cocktail dress, hindi nagpakabog si Chloe sa kanyang boyfriend na looking dapper sa suot nitong black suit.

“Red hot night with my red hot date at the Red Charity Gala,” caption ni Chloe sa mga shinare niyang photos na kuha sa event.