Chiz kay Heart: Tigilan ang shopping, magbasa ka ng libro

KWELA ang ginawang banter ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista nang tanungin ng aktres ang mister tungkol sa kung anong pwede niyang gawin habang nasa ibang bansa.

Cool ang sagot ng senatorial aspirant sa misis na aktres na tigilan na ang pagsa-shopping.

At imbes na mag-shopping, makakabuting anyang mag-workout at magbasa na lamang ng libro habang nasa ibang bansa.

“Grabe naman yung magbasa ng libro, buong araw?” chika ni Heart.

“Kaysa naman mag-shopping ka,” hirit naman ni Chiz.

“Mula sa pagkabata ganyan-ganyang yung ginagawa mo kaya tigil-tigilan mo na nang konti dahil hindi tatagal yan,” ayon pa sa senatorial aspirant.