PUNO ng emosyon ang mensahe ni Chito Miranda sa “wais na misis” na si Neri Naig sa kanilang ika-10 anibersaryo bilang mag-asawa.
Sa Instagram post, sinabi ni Chito na poprotektahan at aalagaan niya si Neri hanggang sa kanilang pagtanda.
“Happy 10th Anniversary, asawa ko,” ayon sa Parokya ni Edgar frontman. “After 10 yrs of being married, masasabi ko talaga na mas mahal pa kita ngayon kesa nung una tayong nagmahalan.”
Nagpasalamat din siya sa Diyos dahil “bliness Nya ako with someone as wonderful and as loving and as sweet as you.”
“You are living proof that one can go through hell and back and still choose to be kind,” dagdag niya.
Sambit pa ng singer: “Sobrang blessed ng mga anak natin to have you as their mom, and sobrang swerte ako to have you in my life, and I have never been happier.”
Sa pagtatapos ng mensahe, inulit ni Chito ang pangako niya kay Neri nang ikasal sila.
“I will always take care of you, protect you, and will always love you hanggang tumanda tayo. I will always be with you, through thick and thin, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part,” lahad niya.
“Happy Anniversary, Ms.Neri. I love you very very much.”
Nitong December 4 ay ipinag-utos ng Pasay court ang pansamantalang paglaya ni Neri na kinasuhang ng estafa at paglabag sa securities regulation code.