MASAYA ang aktor na si Cesar Montano at nakatagpo ng bagong lalaking mamahalin ang kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz.
Sa panayam ni Dolly Ann Carvajal, sinabi ni Cesar na hanga siya sa negosyanteng si Atong Ang dahil sa pagsasapubliko nito sa relasyon nila ni Sunshine.
“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine,” sey ni Cesar.
Ang mensahe niya sa dalawa: “I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy. When Shine is happy, that means our three daughters are happy, too. And as a father, my daughters’ happiness is mine as well.”
Ang pinatutungkulan ni Cesar ay ang mga anak nila ni Sunshine na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.
Ikinasal ang dalawa noong September 14, 2000 at na-annul ang kasal noong September 18, 2018.
Sa kasalukuyan ay tatlo na rin ang anak ni Cesar sa long-time partner na si Kat Angeles.
Bago si Atong, naging karelasyon nang pitong taon ni Sunshine si Macky Mathay, ang anak ni dating Quezon City Mayor Ismael Mathay Jr.