Celebs suportado si Elisse Joson

“WE have your back.”

Ganito ang pahiwatig ng ilang celebrities sa aktres na si Elisse Joson na nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan kamakailan sa gitna ng isyu ng hiwalayan nila ni McCoy de Leon.

Nitong Sabado ay nag-post si Elisse ng black and white glamour shot sa Instagram para pasalamatan ang mga nakaalala sa kanyang birthday.

“27. Thank you for the birthday love, grateful for all of you,” aniya.

Komento ng kaibigang si Sofia Andres: “Happy birthday gorg. Please know I’m always here for you & you know that.”

Ilan pa sa nag-greet kay Elisse sina Iza Calzado, Sue Ramirez, Chie Filomeno at Jessa Zaragoza.