Carlos Yulo magsa-shopping ng gym equipment

BAGAMAT hindi pa niya nakukuwenta ang kabuuang halaga ng mga insentibo na nakuha niya nang magwagi ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics, isinapubliko ni Carlos Yulo na bahagi nito ay ipambibili niya ng gym equipment.

“Sa mga gym stuff ko po na kailangang gastusan, doon po ako magpo-focus. Sobrang bonus na po kasi talaga ‘yung dumadating sa buhay ko,” aniya sa isang panayam.

Aniya, kung hindi siya binigyan ng Toyota Philippines ng brand-new SUV, kotse ang una niyang bibilhin.

“Siguro… sasakyan kaso binigyan na po ako ng Toyota, e. So I don’t have to buy na po,” aniya.

Iginiit din ng gymnast na hindi siya “materialistic” kaya wala siyang naiisip na iregalo para sa sarili.