Carlos Yulo isinumpa ng ina -Chloe San Jose I

IBINUNYAG ng girlfriend ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na isinumpang gagapang sa lupa ang gymnast ng ina na si Angelica.

Sa kanyang reply sa umano’y komento ni Mark Andrew Yulo, ama ni Carlos, sa isang ulat sa Facebook, sinabi ni Chloe San Jose na walang kumpiyansa si Angelica sa anak.

“Pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag comment nito. pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni tita angge na gagapang si caloy sa lupa before po siya mag qualify sa olympics last year,” umpisang banat ni San Jose.

“Sinabi pa po niya na kahit ilang rosaryo pa ang ipadala niya kay caloy ay hinding hindi na po mananalo si caloy,” dagdag nito.

Isinapubliko pa ni San Jose na ang ama na lang ni Carlos ang nagdarasal para sa tagumpay nito.

“Kinuwento pa po sakin ni caloy before siya lumipad po sa olympics na sinabihan niyo po siyang galingan niya at ipagdarasal niyo po siya para pag nanalo po siya eh wala na silang masabi po jan sa bahay. dahil ang sabi niyo po kay caloy ay marami po kayong naririnig na hindi magagandang salita sakanila,” chika pa ng dalaga.

Aniya pa, maraming pagkakataon na rin na humingi ng tawad at tinangkang makipag-usap ni Carlos sa pamilya pero nabigo ito.

“Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag sorry ni caloy at nag try makipag usap po sa inyong lahat, pero bakit po ganito?” wika ni San Jose.

Gayunman, sambit pa niya, na napatawad na nila ang pamilya ni Carlos.

“Pero wala na po yun tito eh, nakapag patawad na po kami and we’re always praying for you po. godbless us all po, let’s all pray na lang po for healing, guidance and love from HIM,” aniya.