Carlos Yulo excited na maging daddy, asawa

BULAKLAK, card at sulat ang regalo ni Carlos Yulo sa girlfriend na si Chloe San Jose sa pagdiriwang ng kanilang ika-52 monthsary bilang magkasintahan.

Sa sulat, ipinagsigawan muli ni Caloy ang kanyang pagmamahal sa kanyang “mahal” na si Chloe.

Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe sa dalaga:

“Happy 52nd Monthsary Mahal Ko.

“Good morning mahal ko Thank you po Lord sa panibagong araw at buhay na ipinag-kaloob nyo po sa amin. He he.

“Para sayo mahal ko: Maraming maraming salamat sa binigay mong suporta at pagmamahal sa akin. Sobra akong natutuwa at humahanga sa naging journey at mga nangyayari pa sa buhay natin ngayon, unti-unti na nating naaabot yung nga pangarap natin sa buhay ng sabay.

“Lahat ng sakripisyo mo para lang masuportahan ako sobra ko po yun na aappreciate mahal ko! At lahat noon ay worth it. Salamat po ng marami mahal ko at sinamahan mo ko sa journey na to. Di naging madali, pero di ka sumuko, katabi ko. inalalayan, ginabayan, sumuporta ng walang sawa, pinag pasensyahan at higit sa lahat minahal mo ako ng sobra.

“Alam kong marami pa tayong mapapagdaanan sa buhay, pero handa ko na salubungin lahat yon kasama ka.

“We did it mahal ko! Now let’s focus on our next goals! At syempre, excited na ko maging daddy at asawa Hehe. Habang inaabot mo naman ang pangarap mo, mahal ko nandito ako nakasuporta at mamahalin ka ng buo! Happy 52nd monthsary po ulit mahal ko! Mahal na mahal po kita.”