SINUPALPAL ng actor-rapper na si Carlos Agassi ang mga netizens na ipinagdarasal umano ang paghihiwalay nila ng misis niyang si Sarina Yamamoto.
Sa Instagram story, ibinandera ni Carlos ang photo nilang mag-asawa kasama ang iba pang celebrity couples na naghiwalay gaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Barbie Forteza at Jak Roberto, at Maris Racal at Rico Blanco.
Caption niya: “Mga gusto kaming maghiwalay wala na kayo sa mundo kami padin ng wify ko.”
“Lab na lab iba pag nahanap mo happiness mo, forever mo, best friend mo, partner un crime mo, parehe kayo mag isip at ng trip at higit sa lahat mas malupit mag rap kesa sa akin wahahaha,” dugtong niya.
Bago ito, inilarawan ng ilang netizens sina Carlos at Sarina bilang “the couple we failed to separate.”
Inulan naman ng reaksyon ang kontrobersyal na post ni Carlos.
“Parang wala namang may pake.”
“Wahahaha! Anyare bat triggered sya?”
“Yung tipong mapapakamot ka na lang ng ulo at mapapatanong ng, ‘May nagtatanong ba Carlos?'”