Carlo, Charlie nakasama si Mithi; netizens sinaluduhan si Trina

PINURI ng publiko si Trina Candaza dahil pagpayag niyang maka-bonding ng anak na si Mithi ang ama ng nitong si Carlo Aquino at ang asawa ng huli si Charlie Dizon.

Sa social media ay ibinahagi ng mga fans ni Carlo ang mga photos ng mag-asawa kasama ang bata.

Sa isa sa mga pics ay makikitang hinahalikan ni Charlie si Mithi.

Nagkakaisang komento ng netizens: hindi totoo ang chika na ipinagdadamot ni Trina ang bata kay Carlo.

“Just like what Trina wanted. Makasama ni Mithi si Carlo with a girl na seseryosohin nya talaga. Hindi makita ni Mithi na papalit-palit ng GF. Binash pa si Trina ng mga bobs na pinagdadamot daw yung bata.”

“This is heartwarming. Goes to show na wag magpapaniwala agad agad sa nega chika posts.”

“Dapat mag sorry yung mga nangbash kay Trina. Consistent naman sya sa kondisyon nya na dapat pakasalan na muna ni Carlo GF nya bago igala si Mithi. Ayan pinahiram na.” “

Trina has happily moved on. That’s it. Enough negativities na.”