Carla Abellana humihingi ng dasal; nakaratay sa ospital

MATINDING sakit ang nararamdaman ng aktres na si Carla Abellana na ngayon ay nakaratay sa ospital.

Sa Instagram, humingi ng dasal si Carla sa kanyang mga followers para sa mabilisan niyang paggaling.

“Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort,” aniya kalakip ang mga larawan na kuha sa ospital.

Hindi naman niya idinetalye kung anong sakit ang kanyang kinakaharap.