Body shamers pinagpiyestahan anak ni Sharon

PINUNTIRYA ng ilang netizens ang hitsura ni Miel Pangilinan sa mga larawan na kuha sa ibang bansa na ibinahagi ng mommy niyang si Sharon Cuneta sa social media.

Ipinost ni Sharon sa Instagram ang mga photos nilang mag-ina sa Amalfi Coast sa Italy at nilakipan niya ng caption na “Good morning again! Cos it is good and beautiful.”

Hindi naman good and beautiful ang komento ng ilang followers ni Mega kay Miel.

“Balyena pala nitong isang anak ni shawie.”

“Sayang ganda pa naman napabayaan sa kusina.”

“Sinakop na nya ung mgandang view.”

“Laki ng butanding.”

Niresbakan naman ng publiko ang mga body shamers ni Miel.

“Kaya hindi umuunlad ang bayan kase madami perfectionist pero ung sarili nilang flaws di nila inaaccept duuuh.”

“Yun nilalait lait nyo kahit magdamag pa yan kumain ng gusto nya  afford nya. eh yun mga namimintas afford kaya nila mging mabuti sa kapwa?”

“Dami pala d2ng walang kapintasan sa itsura pero sa utak malala at walang gamot.”

“Grabe mentality ng mga kapwa pinoy! Nakakadiri! Andaming body shamer dito! Akala mo perpekto, pag nakita mo profile nila mga christiano pa sila!!! At kung manlait sa kapwa akala mo kagandahan at kagwapuhan! Che! Nakakasuka!”