Body shamer sinupalpal ni Xyriel Manabat

HINDI pinalagpas ng Kapamya actress na si Xyriel Manabat ang netizen na inokray ang kanyang pagpaparetoke.

Sa Facebook, ipinost ni Xyriel ang photo niya na kung saan ay naka-silver corset at jeans siya.

“I’m the vibe,” caption niya.

Isang follower naman ang nagmaldita at sinabi na, “Panget na panget sa sarili niya kaya dameng pinagawa.”

“Sampu ba ilong ko?” sagot ng aktres. Hindi ito ang unang beses na nambara ng basher si Xyriel.

Kamakailan ay pinagtawanan niya ang grammar ng isang commenter na pinuna ang kanyang pananamit.

Talak ng basher: “Be a descent enough…need ba talagang magdisplay ng dapat ay nakatago.”

“Be a right spelling/grammar enough…need po ba talaga idisplay ang di hihinging opinyon lalo na po baluktot,” pagtataray naman ni Xyriel.