IBINAHAGI ni Kathryn Bernardo ang photo ng kanyang kaibigang si Ria Atayde na nakasama sa MetroBody list dahil sa body positivity advocacy nito.
“That’s my girl,” caption ni Kathryn sa Instagram post.
Kamakailan ay iniulat ng PUBLIKO na nahihirapang magpapayat si Ria dahil mayroon siyang hyperthyroidism at tinanggal na ang kanyang gallbladder.
“I have hypothyroidism. I have no gallbladder. Losing weight is a lot harder for me than it is for other people,” paliwanag niya.
“So, go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo? I’m sick with stuff I can’t fix. So, sino ka diyan?” dagdag ng girlfriend ni Zanjoe Marudo.
Gayunman, sinabi ni Ria na “confident” siya sa kanyang katawan kaya dedma siya sa bashers.
“Kung magpapaapekto ka sa negative comments, then your whole life will just be affected by the people around you even if, at the end of the day, it’s all about you with yourself,” sey ng anak ni Sylvia Sanchez.