BINI Jhoanna nagkasakit, no-show sa Kpop festival

HINDI makadadalo sa KCON Los Angeles 2024 si Jhoanna ng girl group na BINI.

“Due to unanticipated health issues, Jhoanna will not be able to participate in KCON LA 2024,” ayon sa pahayag ng grupo.

Idinagdag ng kalatas na minomonitor na at “recovering well” na ang pop group leader.

Nitong Biyernes ay dumating sa California para sa event ang mga miyembro ng BINI na sina Maloi, Colet, Gwen, Stacey, at Aiah.

Nasa biyahe pa noon ang iba pang miyembro na sina Jhoanna, Mikha, at Sheena.

Kabilang ang BINI sa mga magpe-perform sa pre-show “M Countdown” stage sa Sabado (US time). 

Bibida rin sila sa “Meet the Rising Stars: BINI” panel.

Ginaganap ang KCON LA 2024 sa Crypto.com Arena at LA Convention Center.