Billy or ‘Bully Crawford’, hirit ni Cristy Fermin

TINAWAG na “Bully Crawford” ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang actor-TV host na si Billy Crawford na ‘Bully Crawford’ dahil sa ginawa nito kay Jeffrey Tam sa kanilang noontime show na “Lunch Out Loud” noong July.

Sa latest episode ng “Take It Per Minute, Me Ganun,” binanatan nang husto ni Cristy si Billy at ang show nito.

“Ay nako! Wala na akong pakialam dyan (Lunch out Loud),” ani Cristy.

“Bully! Bully Crawford. Mambu-bully ‘yun e,” dagdag niya. “Sinipa niya (Billy) ‘yung karton, bumagsak si Jeffrey Tam sa entablado. Nagkaroon ng ano sa spine niya.”

“Ang sabi niya (Billy) kaya raw niya ginawa ‘yun dahil tinuro daw ni Bayani. Si Bayani ba gaganun? Bakit naman niya susundin?” aniya pa.

Kaugnay nito, ikinuwento naman ni Jeffrey kay Ogie Diaz ang nangyari sa show na nagresulta sa pagka-crack ng kanyang spine.

“Actually nagbibiruan kami nun. Meron kaming ano dun na pag may pinatugtog na music, kailangan mong tumambling. So naglabas na ngayon ng balikbayan box, pinatugtog, tumambling si Wacky.

“Nung part ko na, sinabi ko, ‘Sige, patugtugin niyo. Ako naman.” So ako naman, ang balak ko, hindi ako tatambling, tatalon ako yung pahiga. So nangyari na nga, pagtalon ko, pagbagsak ko dun ako nagulat. Sabi ko, ‘Ang sakit.’ Nagdilim yung paningin ko. Yun pala, yung kahon, tinanggal, sinipa.

“Ang unang unang lumapit sa akin si Billy. Yun ang unang yumakap tapos pinatigil niya yung taping.

“Nagkaron ako ng crack sa spine, sa bandang lumbar. Yung x-ray na pinakita sa akin, parang marshmallow na napipe eh. So sinabi sakin ng doctor na kailangan kong mag-brace ng almost two months, parang ganun.”