NAGHIHINAGPIS si Billy Crawford sa pagpanaw ng amang si Jack Crawford kasabay ng paghingi na tawad na wala siya sa tabi nito nang yumao.
Inanunsyo ni Billy sa Insragram nitong Linggo ang pagkamatay ng ama bagaman hindi niya sinabi kung kailan ito pumanaw.
“I’m sorry, Dad. I wasn’t there to say goodbye, give you a last hug, or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart. Thank you for being the greatest dad I could ever have,” aniya.
“May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man! Love, your son,” dagdag niya.
Nakiramay naman sa singer-host ang mga kaibigan sa showbiz gaya nina Jessy Mendiola, Piolo Pascual, Dingdong Dantes at Aga Muhlach.