PINAGPIPIYESTAHAN ng netizens ang mga beach pics ni Sue Ramirez na kuha sa Siargao dahil tila edited umano ang isa rito.
Shinare ni Sue sa Instagram ang mga larawan ng pag-awra niya sa dagat suot ang floral bikini. “If life isn’t a bit chaotic, you’re not living rock and roll,” aniya sa caption.
Marami ang humanga sa ganda ni Sue pero may ilan namang nagtatanong kung edited ba ang photo kung saan nakatayo sa dalampasigan ang dalaga.
“Something’s off sa photo. Probably sa wide angle lens lang yan.”
“I know that pose tricks us to be tall pero parang pinilit pang pahabain pa sya.”
“Edited! Papakahirap pa kayo, tamo ulo ang liit na sobra!”
“Parang ang weird ng proportions. If you zoom it the face is too small for the body.”
“Maliit ulo. Edited obviously to look taller.”
Todo-react naman ang fans para protektahan si Sue sa mga tila kumukwestiyon sa kanyang hitsura.
“People come in all shapes and sizes. Her confidence is attractive.”
“Titas of Manila will give up everything just to be this young and beautiful again.”
“Kaya pala ang dali nitong makahanap ng jowa eh. Sexy talaga at maganda c atih.”