Bianca di nakikipag-live in kay Ruru: ‘Bawal sa Iglesia’

PINABULAANAN ng aktres na si Bianca Umali ang mga balitang nagsasama na sila sa iisang bubong ng boyfriend niyang si Ruru Madrid.

Sa “Fast Talk,” inurirat ni Boy Abunda si Bianca ukol sa mga kumakalat na chika na kasal na o nagli-live in sila ng Kapuso actor.

“Klaruhin natin…Hindi pa po kami kasal. At definitely, hindi po kami magsasama nang hindi kami kasal,” giit ni Bianca.

Inamin naman ng aktres na pinag-uusapan na nila ni Ruru ang paglagay sa tahimik.

“Kami po ni Ruru ay, of course, we are on our  7th-year-of-the-relationship. Of course, our conversations are there,” sey ni Bianca.

“Pero sa ngayon, mina-maximize po namin ang aming individual careers. At, oo, madali lang pong sabihin na handa na kaming magpakasal. Because in our hearts, we are really ready,” dagdag niya.

Ipinagdiinan din ng aktres na malayo sa isip nila ni Ruru na magsama nang hindi kasal dahil labag ito sa mga aral ng Iglesia ni Cristo kung saan kapwa sila miyembro.