Bea ibinandera bagong traktora para sa kanyang farm

BONGGANG ibinandera ni Bea Alonzo ang bago niyang traktora na ginagamit niya sa kanyang farm.

Ibinida ng aktres ang kanyang traktora sa kanyang Instagram post na kinomentohan naman ng kanyang malapit na kaibigan na si Angel Locsin.

Isang vlog din ang ginawa ni Bea tungkol sa pag-iinvest sa traktora para sa mga farm owners.

“One of the things I realized as a farm owner is that tractors are a good investment. A lot of work comes with managing a farm, and it is essential to have reliable equipment that can handle multiple tasks and increase productivity. And that’s why I’m glad kasi we already invested in one! Thank you to @ralphsgo and @gotraktora_official for helping us figure out the right tractor for our farm’s needs,” sey ni Bea sa kanyang IG post.

“By the way, a new vlog is up now on my youtube and Facebook channel! You’ll see our new tractor in action.”

Simpleng “yaman” ang naging komento ng kanyang kaibigan na si Angel na agad namang sinagot ni Bea ng: “Sana kasing yaman mo”.