NAWINDANG ang aktres at social media personality na si Bea Borres sa presyo ng cheese burger at fries na inorder niya via room service sa Okada Manila.
Sa Facebook live, shinare ni Bea na habang naka-check sa hotel ay nag-crave siya ng burger.
“Laging sold out ang mga burger here…Guys, can you believe that this is 1K and P250 itong fries… which I could make at home,” chika niya.
“This is one thousand! Crazy, right? Let’s see if it’s worth it. It has caramalized onion. Dapat kasing lasa ‘to ng In-N-Out (US fastfood chain),” dagdag niya.
Verdict ni Bea: “Oh my God! It takes like a 350 burger but not a 1K burger. Ok lang but it’s not worth it.”
Ayon sa aktres, huli na nang maisip niya na sana ay umorder na lang siya via food delivery service.
“Oo nga ‘no bakit hindi na lang ako nag-Grab ng burger? Oh my!” panghihinayang ng dalaga.