Bea Alonzo worried sa pagiging childless at 36

NAG-AALALA ang aktres na si Bea Alonzo na sa edad niya na 36 ay wala pa siyang anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Bea na sakaling magka-baby siya ay gusto niyang matulad sa mommy niyang si Mary Anne Ranollo.

“She got pregnant when she was 19 and she had me when she was 20. So we’re also good friends. Growing up parang wala masyadong generation gap,” ani Bea.

“That’s what I’m afraid of since I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak so iniisip ko na sana maging kasing cool ako ni mama,” dagdag niya.

Bukod sa pagiging cool, bilib din si Bea sa pagiging disciplinarian ng ina.

“I turned out to be a strong woman because of my mom. She taught me to stand for myself and stand for the truth, always,” wika pa niya.