Bea Alonzo flinex Spain residency card

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na nakuha na niya ang kanyang residency card sa Spain.

“Finally got to pick up my residency card!” aniya sa Instagram post na kung saan makikita na hawak niya ang card. 

“Reason why I went to Madrid,” dagdag niya.

Bilang isang legal resident ng Spain, maaari nang mag-travel si Bea sa mga Schengen areas ng European Union kahit walang visa.

Pwede rin siyang magtrabaho sa Europe at mag-apply ng  Spanish citizenship.

Magagamit din ng ina niyang si Mary Anne Ranollo ang mga nasabing benepisyo.

Naging eligible si Bea sa residency status makaraan siyang bumili ng P29.5 milyon na apartment sa Madrid noong 2022.

Sa kanyang vlog noong nakaraang taon, isinapubliko ni Bea ang mga photos at impormasyon ukol sa property na matatagpuan sa Chamberi, isang residential neighborhood sa Madrid.

Chika ni Bea, lagpas sa kanyang budget ang presyo ng apartment pero nakumbinsi siyang bilhin ito dahil sa interior design. 

“I really liked the material that was used dun sa entire apartment. Alam ko na hindi sub-standard ‘yung materials na ginamit and I like the design of it all,” wika ng aktres.