Baron Geisler binati anak kay Nadia Montenegro

BINATI ni Baron Geisler si Sophia Angela Asistio, ang anak niya sa actress na si Nadia Montenegro, sa ika-18 kaarawan nitong Martes.

Sa Instagram, ibinahagi ni Baron ang kanyang video message sa anak.

“Hey you, just wanna greet you a happy birthday!” sey ni Baron.

Walang binanggit na pangalan si Baron pero kasabay ng greeting ang mga post ni Nadia ukol sa birthday ni Sophia.

Nitong nakaraang buwan, isinapubliko ni Nadia na anak ni Baron si Sophia sabay dagdag na alam ito ng kanyang namayapang partner na si dating Caloocan Mayor Boy Asistio.