FINALLY ay nagsalita na ang kontrobersyal na aktres na si Barbie Imperial sa pagkakaugnay ng pangalan niya kay Daniel Padilla makaraan siyang maispatan sa bahay nito.
“Ngayon ko lang yata sasagutin ito kasi nanahimik talaga ako e. Nung nangyari ‘yung chismis na ‘yon, siyempre nahiya ako unang-una kay Kath kasi ano’ng iisipin niya,” ani Barbie kaugnay sa pagkaka-link sa kanya kay Daniel ilang buwan na ang nakararaan.
Nilinaw ng aktres na nagpunta siya sa bahay ni Daniel para humingi ng payo sa ina ng aktor na si Karla Estrada.
“Nung nagpunta ako du’n, kaka-break lang namin actually ni Diego. So, pumunta ako kay tita Karla kasi wala si mama dito,” paliwanag niya.
“Ayoko kasi na pagkaka-break ko lang [and] emotional ako [ay] pupunta ako ng gimikan, iinom. Parang lalapit ako sa mom talaga mag-advice and para fair [din] ‘yung advice kasi si tita Karla kakilala niya rin si Diego, parang anak-anakan niya,” dagdag niya.
Ani Barbie, nirerespeto niya ang relasyon ng mga couples.
“Walang truth ‘yung [rumors] and nirerespeto ko kung ano ‘yung meron si Kath and DJ, and sa lahat naman ng couples nire-respect ko ‘yon,” sinabi pa niya.