Barbie Imperial ‘fully-healed’ na

IPINAGWAGWAGAN ng aktres na si Barbie Imperial na naka-move on na siya sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga.

Sa “Magandang Buhay,” sinabi ni Barbie na inabot din ng maraming buwan bago gumaling ang puso niya.

“Last month lang before my birthday (ako nag-fully healed,” aniya

“Nung nag-break kami ng ex ko parang I tried to go out with someone, date lang walang anything, walang label, walang ano. Tapos na-feel ko na ‘ay hindi ko pa kaya.’ So medyo nag-hold back ako. Tapos sinabi ko sa guy na, ‘Sorry, I am not ready pa pala, parang I need to heal myself first, bago ako pumasok sa bagong relationship’,” kuwento niya.

“Kasi it’s very important na buo ka, mag-heal ka muna alone, kasi masasaktan mo ‘yung ibang tao if you don’t heal. So ngayon fully healed na ako,” dagdag ni Barbie.

Inihayag din ng aktres na wala na siyang nararamdaman na sakit kapag gumigising siya sa umaga.

“Minsan kasi gigising ka na lang akala mo okay ka na tapos paggising mo, ‘Ano ba ‘yan, ‘di pa pala.’ Lately okay naman po ako na gumigising,” sey ni Barbie.

Isang taon na naging magkarelasyon sina Barbie at Diego. Nitong Pebrero inanunsyo ng dalawa na hiwalay na sila.