IBINASURA ng Taguig City Regional Trial Court ang mosyon ni Deniece Cornejo na bawiin ang kautusan na pagpiyansahin ang actor-TV host na si Vhong Navarro dahil sa kawalan ng merito.
Nitong Huwebes ay ipinagtibay ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig RTC Branch 69 ang utos niyang payagang magpiyansa ni Navarro sa kasong rape na isinampa ni Cornejo.
Ibinasura rin niya ang isa pang mosyon ni Cornejo na mag-inhibit siya sa pagdinig sa kaso.
Matatandaan na pinayagan ng korte na magpiyansa si Navarro nitong nakaraang Disyembre 6 dahil “this Court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused guilt.”
Maliban sa rape, inasunto rin ni Cornejo ng acts of lasciviousness si Navarro.
Nag-ugat ang mga kaso sa alegasyon ni Cornejo na ginahasa umano siya ni Navarro noong Enero 17, 2014.