NAGLULUKSA ang Thai actor na si Win Metawin sa pagpanaw ng kanyang fur baby na si Bentley.
Sa Instagram, ibinahagi ni Win ang photos at videos ng alaga, kabilang ang burol nito.
“Always in our hearts Rest in peace Bentley,” aniya sa caption.
Bumuhos ang pakikiramay ng mga Pinoy fans kay Win, na nakilala sa kanyang BL series na “2gether” katambal si Bright Vachirawit.
Kamakailan ay ipinalabas sa bansa ang pelikula niyang “Under Parallel Skies” kung saan kapareha niya ang aktres na si Janella Salvador.