Awra Briguela itinangging may afam na sugar daddy: That’s my uncle!

IKINALOKA ng komedyanteng si Awra Briguela ang bintang ng mga netizens na mayroon siyang sugar daddy.

Nag-ugat ang mga akusasyon nang ilatag niya sa Instagram ang mga photos at videos ng kanyang Bohol vacation.

“Forever grateful for the memories and beauty of bohol. This place will always hold a special spot in my heart,” ani Awra sa caption.

Sa video, mapapanood ang komedyante na may katabi na foreigner na nakahawak sa bewang niya.

Agad namang naglabas ng haka-haka ang ilang netizens.

“Afam jowa niya.”

“Asukal de papa.”

“Jowa mo na yan bhe?” 

Klinaro naman ni Awra na ang afam ay asawa ng kanyang tito.

“Are you being for real right now?! That’s my uncle right there!! That’s my uncle’s husband and yes they’re married for almost 10 years now. So much hate. Lol,” talak ni Awra.

Pinayuhan ni Awra ang mga marites na i-check ang account ng kanyang tiyuhin para malaman ang totoo.