Ava Mendez nilinaw na hindi siya engaged kay Skusta Clee

KLINARO ng aktres na si Ava Mendez na hindi pa sila engaged ng rapper na si Skusta Clee.

Sa isang panayam, sinabi ni Ava na ang mga nag-viral na larawan na magkayakap sila ni Skusta, Daryl Ruiz sa totoong buhay, ay bahagi ng video na kuha sa Christmas party ng Pinoy hip-hop collective na Ex Battalion.

“Hindi po ako engaged. Naglaro po kami ng Pinoy Henyo. ‘Yun po ‘yon,” paliwanag niya.

Sey ni Ava, natumbok ni Skusta ang pinahuhulaang salita kaya napatalon at napayakap sila sa tuwa.

“Nahulaan ni Darryl ‘yung nandoon sa ulo niya bago pa matapos ‘yung oras kaya nagtalunan kaming dalawa,” dagdag niya.

Ang pinahuhulaang salita: sinigang.

Gayunman, inamin ni Ava na “in love na in-love” siya kay Skusta.