ILANG buwan lang makaraang mawala ang dinadala niyang triplets, isiniwalat ni Kathleen Hermosa na muli siyang nagka-miscarriage dahil sa congenital thrombophilia.
Sa vlog, ipinaliwanag ni Kathleen na huminto sa pagtibok ang puso ng kanyang baby dahil hindi natustusan ng dugo ang fetus sanhi ng kanyang kondisyon.
“Tumigil ‘yung heartbeat. May heartbeat na noong una. Lumaki din ‘yung baby—may limbs na, so nag-form pero tumigil,” ani Kathleen.
“Ang ibig sabihin nung congenital thrombophilia, humihinto ang supply ng dugo ng mommy papunta sa fetus,” dagdag ng ate ni Kristine Hermosa.
Emosyonal si Kathleen habang inaamin na maraming tanong na tumakbo sa kanyang isipan.
Gayunman, ipinapasa-Diyos na lang niya ang “painful and confusing” na sitwasyon.
“If you’re gonna ask me if I’m gonna conceive again, we will never give up trying. Alam ko God has great plans for us and we will continue to surrender,” aniya.
Ikinasal si Kathleen sa asawang si Miko Santos noong June 2023. Noong November ay ibinalita niya na nawala ang ipinagbubuntis niyang triplets dahil sa blighted ovum.