Asia’s Nostradamus: May aamin sa SB19 na hindi straight

HINULAAN ng tinaguriang “Asia’s Nostradamus” na si Jay Costura na aamin na hindi straight ang isang miyembro ng P-pop male group na SB19.

Sa panayam ni Ogie Diaz, sinabi ni Costura na mayroong “issues with sexuality” ang boy band.

“Sa nakikita ko naman is may mga issues with sexuality. May aamin sa kanila na hindi straight,” pahayag ng psychic.

Gayunman, dagdag niya, hindi ito magiging sagabal sa status ng SB19 bilang nangungunang P-pop group sa bansa.

“Nakikita ko naman na magtatagal ang grupo,” sabi niya.

Ilan sa mga nagkatotoong prediksyon ni Costura ang pamiminsala ng Covid-19 noong 2020 at ang pagsadsad ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2018.