Asawa ni Sunshine Guimary yumao sa babang-luksa ng ama

NAGLULUKSA ang Vivamax star na si Sunshine Guimary sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Sunshine ang larawan niya na nakayakap sa kabaong ng mister.

“See you soon babe,” caption niya.

Bukod sa post niya sa kabaong na punumpuno ng bulaklak ang paligid, shinare din ni Sunshine ang mga larawan niya na naka-wedding dress at habang hinahalikan ng asawa.

Ani Sunshine, namatay ang mister habang inaalala ng kanilang pamilya ang unang taong anibersaryo ng pagpanaw ng ama.

“The pain strikes again,” wika niya.

Kabilang sa mga naghatid ng pakikiramay sina Chynna Ortaleza, Janno Gibbs, Ryzza Cenon at MJ Marfori.

Nakilala si Sunshine sa mga pelikulang “Kaka,” “House Tour,” “Shoot Shoot,” “What If” at “Hello Universal.” Bukod sa pagiging artista, isa ring vlogger si Sunshine.