ITINANGGI ng aktres na si Arra San Agustin na siya ang third party sa hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos.
“No! Hard no!” sagot ni Arra nang tanungin ni Boy Abunda sa latest episode ng “Fast Talk” kung may ugnayan sila ni Paolo.
Ani Arra, nag-umpisa ang isyu sa “Tippy Happy,” isa sa mga segments ng “Tahanang Pinakamasaya” kung saan ka- “love triangle” niya sina Paolo at Betong Sumaya.
“Yung mga tao, they [posted] pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles and headlines na ako raw ‘yung third party. So nag-start po ‘yun last year,” sey niya.
“For some reasons, nag-resurface po siya. Itong news na ‘to and fake news, fake ‘yung source, doon po siya galing. And I don’t why karamihan sa mga tao naniniwala,” dagdag ng aktres.
Pinuna rin ng aktres ang mga nasa likod ng fake news at sa mga tao na agad naniniwala rito.
“Parang we can be easily manipulated or gaslighted with a single headline lang na hindi naman pala totoo,” punto niya.
Hirit pa ni Arra, walang ebidensya, kahit sa social media, na mayroong “something” sa kanila ni Paolo.
“Wala silang makikitang pictures, videos, footage naming dalawa ni Kuya Paolo casually hanging out together without the Tippy fam…Wala, wala silang makikita,” sabi niya.
Inamin naman ni Arra na magkaibigan sila ni Paolo.