DISMAYADO sa kanyang performance si Arnel Pineda, ang lead vocalist ng US superband na Journey, sa ginanap na Rock in Rio music festival sa Rio de Janeiro, Brazil.
Nag-viral si Arnel at ang Journey nang mapansin ng maraming fans na hindi na maabot ng Pinoy singer ang high notes ng hit song ng banda na “Don’t Stop Believing”.
Humingi ng paumanhin si Arnel sa kanyang performance at sinabing lubha siyang naapektuhan sa pangyayari.
“Once again, [thank you] so much everyone who came to @journeyofficial show since February this year. I appreciate [you all], and not only that, every time that I’m on stage [with] the band, I feel this immense gratitude, humility, and honor. I am very aware of this. No one more than me in this world feels so devastated about this,” aniya.
“Mentally and emotionally, I’ve suffered already and I’m still [suffering]. But I’ll be okay. So here’s the deal here now,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Arnel na ang mga tagahanga na magdesisyon kung gusto pa ba nila siyang manatili o umalis na sa banda.
“I am offering you a chance now (especially those [who’ve] hated me and never liked me from the very beginning) to simply text GO or STAY right here,” matud pa niya. “And if ‘Go’ reaches 1 million, I’m stepping out for good… God bless all of you and thank you once again to all of the fans and friends who believed in me since Day 1,” sambit pa niya.
Pinalitan ni Pineda si Steve Perry bilang vocalist ng Journey noong 2008.