NANINIWALA ang ilang netizens na nagkakalabuan na sina Yen Santos at Paolo Contis matapos burahin ng aktres ang birthday post niya noon para sa aktor.
Nag-trending ang pagbati ni Yen kay Paolo sa 40th birthday nito noong March, na nilakipan pa niya ng larawan nila na magkasama.
Hindi naman sigurado ang publiko kung naka-archive lang o tuluyan nang binura ng aktres ang naturang post mula sa kanyang Instagram account.
Sa kasalukuyan ay pawang mga litrato lang ni Yen ang makikita sa kanyang official IG page