DAHIL hindi nakasama sa promotion ng “And The Breadwinner Is…” ay sa kanyang Instagram account na lang hinikayat ni Anthony Jennings ang publiko na panoorin ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda.
Matatandaan na hindi nakasama si Anthony sa MMFF parade, theater tour at sa mga media promo makaraang masangkot sa cheating scandal kasama ang isa pang “And The Breadwinner Is” cast member na si Maris Racal.
Mensahe ni Anthony:
“Tulad ng karamihan, maaga din po ako naging breadwinner kaya ramdam ko ang hirap at saya na bitbit nila araw araw.
“May mga araw diyan na mahirap kaya mahalaga sa akin ang pamilya at ang mga kaibigan ko na pamilya ko na din kasi sa bawat problema na pinagdadaanan ko sila lang ang nagsisilbing sandalan ko na kahit anong mangyari palagi silang may paraan para mapasaya ako.
“Itong pelikulang ‘And The Breadwinner Is’ talagang malapit sa puso ko. Poster palang maluha-luha nako e.
“Ngayong Pasko ito po ang aming pinakamalaking handog para sa inyo. Sa mga breadwinner at sa bawat miyembro ng pamilyang Pilipino.
“Maligayang Pasko sa ating lahat at magkita-kita tayo sa mga sinehan ngayong Pasko. Maraming salamat po!”